Home / Romance / FATED / CHAPTER 11

Share

CHAPTER 11

Author: Miss Che
last update Petsa ng paglalathala: 2026-03-17 12:13:57

Hindi alam ni Alexa, kung ano ang isasagot kay Lolo Marcus. Naguguluhan pa siya sa sitwasyon, idagdag pa na hindi naman totoong may relasyon sila ni Lucas.

“Lo, tigilan n’yo na nga yan, hindi pa namin napag-usapan ang mga bagay na ‘yan ni Alexa, masyado pang maaga para pag-usapan ang tungkol sa kasal.”

“Tumahimik ka Lucas! At hindi ikaw ang kinakausap ko. Alam ko namang wala akong aasahan sa'yo. Buti na lang at si Alexa ang naging kasintahan mo, dahil kung hindi, ay baka itatakwil kita bilang a
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • FATED   CHAPTER 15

    Halos hindi makapaniwala ang mga empleyado ni Lucas sa narinig, lalong-lalo na ang personal secretary nito na si Maricel. Ang buong akala ng mga ito ay isa lang siyang hamak na katulong kaya isang malaking pasabog sa mga ito nang sabihin ni Lucas na asawa siya nito.“Lucas, bakit mo naman sinabi sa kanila na asawa mo ako? “ tanong niya kay Lucas matapos niyang makapagbihis.“Bakit naman hindi? Talaga namang asawa kita. Dapat lang na malaman nila ng sa ganun respetuhin ka nila gaya ng pagrespeto nila sa akin. Bakit ayaw mo bang malaman nila na asawa kita?” “H-hindi naman sa ganon. Ikaw lang naman ang inaalala ko. Baka kasi masira ang reputasyon mo dahil sa isang hamak na katulong lamang ang pinakasalan mo.”“The h*ll I care, sa sasabihin ng iba. Hindi ko kailangan ang approval nila.Huwag mong maliitin ang sarili mo Alexa, ikaw ang napiling babae ni Lolo Marcus para sa akin at isa lang ang ibig sabihin no’n,espesyal ka at iyon lang ang mahalaga at hindi ang opinyon ng iba.”Lihim na

  • FATED   CHAPTER 14

    Tahimik lang si Alexa habang nasa byahe papuntang resort. Panay ang sulyap sa kanya ni Maricel dahil sa tabi ni Lucas siya nakaupo. Siguro hindi ito sanay na may naka-upo na sa dating p'westo nito.Sa wakas pagkatapos ng mahabang byahe ay nakarating na rin sila. Pagbaba niya ng sasakyan ay ramdam niya agad ang malamig na simoy ng hangin.“Hay! Ang sarap naman dito, nakaka-relax ang ambiance,” wika niya habang nakapikit ang mga mata at tila ninanamnam ang sarap ng hangin na dumadampi sa kanyang pisngi.“I'm glad at nagustuhan mo ang lugar, this is one of my favorite place na pagmamay-ari ni Lolo. Dito kami madalas magbakasyon tuwing summer. I have lots of good memories, sa lugar na ito.”“You mean, si Lolo Marcus ang may-ari ng magandang lugar na ito,” manghang tanong niya kay Lucas, sabay mulat ng kanyang mga mata.Tumango lang si Lucas bilang pag–sang ayon.“Sir Lucas, tayo na po sa loob. Tiyak na naghihintay na sa inyo ang mga kasama natin,” sabat ni Maricel sa usapan nila.“Lexie,

  • FATED   CHAPTER 13

    Tahimik lang si Alexa, habang lulan ng sasakyan ni Lucas pabalik sa bahay nito. Pagkatapos ng tanghalian ay nagpaalam na ito kay Lolo Marcus na babalik na sila ng Maynila. Ayaw pa sana silang pakawalan ni Lolo Marcus pero ayaw papagil ni Lucas. Kailangan daw ito sa kompanya at hindi pwedeng manatili siya ng matagal sa bahay ng Lolo niya. Kaya walang nagawa ang matanda kundi ang payagan na lang sila na umalis.Naiilang si Alexa sa sitwasyon nila ni Lucas. Nahihiya siya rito pagkatapos niyang isuko ang sarili niya dito noong nagdaang gabi. Ayaw niyang unang magsalita dahil hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin. Tahimik lang din ito habang nagmamaneho at naka pokus ang buong atensiyon nito sa kalsada.“Lexie, kumusta ang gising mo kanina?” basag nito sa pananahimik niya.“Okay naman,” tipid niyang sagot rito.“Mabuti naman, akala ko kasi masama ang gising mo. Kanina ka pa kasi walang imik, ano ba ang iniisip mo?”“Ha! Eh, wala naman, napagod lang siguro ako kagabi.”Pinamulahan s

  • FATED   CHAPTER 12

    Hindi mapalagay si Alexa nang gabing iyon. Unang gabi nila bilang mag-asawa ni Lucas. Wala pa ito sa kwarto nila pero kinakabahan na siya. Hindi naman pwedeng hindi sila magkasama sa iisang kwarto dahil mabubuking ang pagpapanggap nila kung saka-sakali.Pumunta siya ng banyo, upang mag-shower, kanina pa mainit ang pakiramdam niya pagkatapos nilang maghapunan, kayo naisipan niyang maligo upang maginhawaan. Paglabas niya ng banyo ay wala pa rin si Lucas.“Salamat naman at wala pa siya, kung nandito siya nakakailang naman pag nakita niya akong magbibihis,” kausap niya sa sarili.Katatapos lang niyang magbihis at nagpapahid ng lotion ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto nila. Nakita niya ang pagpasok ni Lucas na para bang hindi ito mapalagay. Nakabukas ang ilang butones ng polo nito at nakisilip doon ang mabalahibo nitong dibdib.“You smell so fresh,” wika nito ng makalapit sa kanya.“Mainit kasi kaya naisipan kong maligo, anong nangyari sa'yo? Bakit parang hindi ka mapalagay, may probl

  • FATED   CHAPTER 11

    Hindi alam ni Alexa, kung ano ang isasagot kay Lolo Marcus. Naguguluhan pa siya sa sitwasyon, idagdag pa na hindi naman totoong may relasyon sila ni Lucas.“Lo, tigilan n’yo na nga yan, hindi pa namin napag-usapan ang mga bagay na ‘yan ni Alexa, masyado pang maaga para pag-usapan ang tungkol sa kasal.”“Tumahimik ka Lucas! At hindi ikaw ang kinakausap ko. Alam ko namang wala akong aasahan sa'yo. Buti na lang at si Alexa ang naging kasintahan mo, dahil kung hindi, ay baka itatakwil kita bilang apo ko, dahil diyan sa katigasan ng ulo mo.”“Lolo naman, sa pagkakaalam ko, nagmana lang naman ako sa inyo. At saka Lo, matitiis niyo bang itakwil ang kaisa-isa n’yong apo?” paghahamon pa ni Lucas sa Lolo nito.“Aba eh, bakit hindi? Ngayong nandito na si Alexa, dalawa na kayo ang apo ko. At hindi magtatagal, magkakaroon pa ako ng apo sa tuhod nito, di ba Alexa?” baling ni Lolo Marcus kay Alexa.“Ho?” agad namang pinamulahan ng mukha si Alexa sa turan ni Lolo Marcus.Hindi maitatanggi ni Alexa s

  • FATED   CHAPTER 10

    “Ano! halos sabay na bigkas ni Alexa at Lucas. “Tiyo Magno, ano po ang ibig ninyong sabihin? Si Lolo Marcus ba ang tinutukoy niyo na matandang pinagkakautangan ninyo?” gulat na tanong ni Alexa. “Siya nga Alexa, ang taong tinakasan mo. Pero akalain mo ba naman, tumakas ka pa gayong nobyo mo naman pala ang apo niya, na gusto niyang ipakasal sa'yo,” nakangising turan ni Magno. Halos hindi makapaniwala si Alexa sa narinig. Pinaglalaruan ba siya nang tadhana? Tumakas siya para huwag mapunta sa matandang pinagkakautangan ng tiyuhin na, tapos apo naman pala nito ang nasumpungan niya. Pinaglalaruan ba siya ng tadhana o sadyang pinagtagpo sila ni Lucas? “N-nobyo! Nobyo ni Alexa si Lucas na apo ko?” nagulantang na tanong ni Lolo Marcus, halos hindi makapaniwala sa narinig. “Totoo ba apo? Nobya mo itong si Alexa? Aba’y, bakit hindi mo sinabi sa akin. Kaya pala ayaw mo doon sa iniririto ko sa'yo, may iniibig ka na pala. Masyado ka namang malihim, pero di bali, iisang babae lang naman pal

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status