Napapikit ako nang mariin. Alam kong hindi ko na dapat naririnig ang mga bagay na ito, at kailangan ko nang umalis bago pa may makahuli sa akin. Pero bago ako tuluyang makahakbang palayo, narinig ko ang mababang boses ni Liam."Is that a threat?" Nahimigan ko ang tuwa sa boses ni Liam, hindi natitinag."No." Huminto si Ashanti nang sandali. "It's a warning."Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at mabilis akong naglakad patungo sa staff quarters. Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto, agad kong isinara ang pinto at isinandal doon ang aking likod. Napahawak ako sa aking dibdib, sobrang bilis ng tib0k ng puso ko dahil sa pinaghalong pagod, kaba, at takot sa lahat ng narinig ko.I should stay away. Alam kong kaya ni Liam 'to. I trust him. Kailangan ko lang ay magpanggap na ako pa rin si Sheika at hindi si Ashanti, na wala akong naalala.Umupo ako sa gilid ng aking kama habang nanginginig ang mga kamay. Ano ba talaga ang nangyayari sa resort na ito? Sino ang lalaking naka-black polo sa lobby?
Read more