Nagawa ko na lamang ay maglinis nang maglinis. Dahil abala ang pamilya ko sa pag-aayos sa tutuluyan namin, ako ang naiwan para asikasuhin ang mga huling detalye sa lobby. Maya-maya, lumapit sa akin si Via. Hindi ko alam bakit ganun ang expression niya. Nagtataka na parang nag-aalala."Sheika, ayos ka lang?" salubong niya at tinulungan akong mag-ayos ng mga folder. "Ang weird, 'no? Dumating 'yang babaeng 'yan na parang kabute, tapos biglang Ashanti na raw siya? At ang mas malala, kamukhang-kamukha mo talaga. Pero alam mo, iba ang aura niya sa'yo. Para siyang... iyong may itinatago.""Hayaan mo na, Via. Baka siya talaga ang asawa ni Sir. Baka kamukha ko lang talaga siya," sagot ko, kahit sa loob-loob ko, iba ang gusto kong sabihin."Pero nakita mo ba ang tingin ni Sir Liam sa'yo kanina?" giit ni Via. "Katulad namin, parang ayaw niya ring maniwala. At ngayon, tignan mo siya, parang napipilitan lang makinig sa mga kwento nung babae."Hindi ako sumagot. Pinagpatuloy ko lang ang trabaho k
Last Updated : 2026-05-14 Read more