Share

Chapter 23

Author: Purplexxen
last update publish date: 2026-03-11 18:59:12

Faye's Point of View

Ibinaba ko ang cellphone. Hindi rin naman maiintindihan ni Mikhael ang sitwasyon ko. Mali ko na tumawag pa sa kaniya para humingi ng tulong. He's not Matheo so he wouldn't understand my situation.

“I’m sorry,” panimula ko at ngumiti ng mapagpaumanhin.

“Pero hindi yata namin mabibili ni Matheo ‘yong painting, Klare. Isang milyon lang kasi ang kaya naming ilabas ngayon araw. I’ll try to… find another art piece that I might like.”

Naglaho agad ang kaunting liwanag sa mga m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Chris David
thank you po author.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Denying Temptation with My Husband's Twin Brother   Chapter 29

    Mikhael's Point of View “Hindi ko alam na kasali sa misyon natin ang pagbili ng painting.” Hades said. Sumakay siya likod ng sasakyan kaya sinamaan ko siya ng tingin sa rearview mirror. Katatapos niya lang magbayad ng cash sa art exhibit payment collector. Dahil ayaw niyang magdala ng sasakyan, tinawagan niya ako para sunduin siya.Mag-aala singko pa lang ng hapon, may babalikan pa dapat akong trabaho sa opisina, pero dahil sa pangungulit ni Hades ay napilitan akong unahin siya. Bukas na lang ako maglalagi sa opisina. “Come sit in the front. I'm not your driver.” Malamig kong sabi. Tumawa lang siya. “Hindi na, mas komportable ako rito.” Aniya. Itinikom ko ng mariin ang bibig at alam ko na agad kung bakit mas pinili niyang sa likod ng sasakyan maupo. Mas magandang doon siya pumwesto para hindi siya mag-alangan na subukin ang pasensya ko. “Utang mo 'yan, a? May interes, 20% ang tubo.” Binalewala ko lang siya sa sinabi niya. “Nahirapan akong humanap ng cash. I don't want to us

  • Denying Temptation with My Husband's Twin Brother   Chapter 28

    Faye's Point of ViewNagkaroon ng katahimikan pagkatapos ng sinabi ni Joshua. Napakunot-noo ako, hindi sigurado kung nagbibiro lamang siya o ano. Si Klare ay napatulala sa lalaki. Si Mikhael, nang lingunin ko’y malamig ang ekspresyon ng mukha. It was awkward. “Mapagbiro ka talaga.” Dinaan ko sa kaonting tawa ang awkward na feeling sa pagitan namin lahat. Ngunit nanatiling seryoso ang mukha ni Joshua kaya napawi din agad ang peke kong tawa. Ayaw niyang bawiin ang sinabi niya o linawin ang mga salitang binitiwan. Nakakainis na sa harap pa mismo ni Klare at Mikhael iyon sinabi ni Joshua. Baka isipin ng dalawa na talagang may ibig siyang ipakahulugan sa bagay na iyon. Kahit na magkakilala na kami simula pa noong hayskul, wala naman siyang sapat na dahilan para magustuhan ako at maging inspirasyon niya sa pagbabalik dito sa Pilipinas. Sigurado akong nagbibiro lang siya. Baka prank lang.“I meant it, Faye.”Kaysa na bawiin, talagang nanindigan pa siya. Mas naging seryoso rin ang ekspr

  • Denying Temptation with My Husband's Twin Brother   Chapter 27

    Faye’s Point of View Kilala ko na si Joshua simula noong high school. Isa siya sa photojournalist sa paaralan, ako naman ay senior journalist kaya madalas lumalapit siya sa akin noon para magpasa ng mga pictures na nakuha niya. Mukha lang siyang mas matured sa aming dalawa, siguro dahil mas matangkad siya at dahil na rin sa bigote niya, pero ang totoo n'yan dalawang taon ang tanda ko sa kaniya. Dati ay Ate Faye pa nga ang tawag niya sa akin. Who would have thought that this time, he'll become someone known in the industry as a famous photographer? “Kanina pa kita gustong lapitan, pero nag-aalangan akong baka hindi mo na naman ako pansinin.“ Pabiro niyang sabi. Natawa ako ng kaunti. “Hindi kita napansin kanina. You've grown so tall, Josh. Pero, ikaw a, ang guwapo mo pa rin.” Ngiting sabi ko sa kaniya. Napangiti rin siya at napakamot pa sa batok. Sa isang kamay ay hawak niya ang isang malaking digital camera na ginagamit niyang pangkuha ng mga larawan. Hindi ko alam kong

  • Denying Temptation with My Husband's Twin Brother   Chapter 26

    Mikhael's Point of View Matheo is not a person who would cheat. Hindi siya ganoon sa paningin ko kaya ang hirap paniwalaan na may ilan siyang purchase galing sa isang jewelry store nitong nakaraang buwan. Mga mamahalin na alahas na nagkakahalaga ng hindi bababa sa isang milyon. Ang isa sa nabili niya ay diamond necklace na nabili niya sa halagang six million. Ganoon kamahal, at wala akong ibang maisip na maaari niyang pagbibigyan no'n kung hindi si Faye? She's his wife. Natural na kung may bibigyan siya ng mamahaling alahas ay ang asawa niya. Pero sigurado ako na noong tiningnan ko ang closet nilang dalawa, hindi ganoon karami ang koleksyon ng alahas ni Faye. May iilan siyang alahas, pero hindi mukhang aabot ng ilang milyon ang halaga. Wala rin diamond necklace na naroon. Kaya posibleng may ibang pinagbibigyan si Matheo no’n. “Did you double check the store’s CCTV footage?” “Yeah, pero siya lang mag-isa ang pumunta sa store. Wala siyang ibang kasama.” Matamang sagot ni H

  • Denying Temptation with My Husband's Twin Brother   Chapter 25

    Faye's Point of View “I’ve seen your collections of jewelry from your walk-in closet. Wala ka gaanong kwentas na mamahalin. Lalo na ang koleksyon ng diamond, wala akong nakitang gano’n, pero…” “Do you like this, Kuya?” Klare’s voice came from behind us. Sumunod pala siya sa amin. Hindi na itinuloy ni Mikhael ang kaniyang sinasabi dahil sa pagdating ng kaniyang pinsan. Ikiniling na lamang niya ang kaniyang ulo na parang nag-iisip ng malalim at may tinitimbang sa likod ng kaniyang isip. “This is Guevara’s painting. Naalala mo ‘yong last year na painting na nabili mo? The one worth six hundred thousand pesos? He's the same artist who created this painting.” Ani Klare. Pumagitna siya sa amin ni Mikhael kaya napilitan akong lumayo ng kaunti. Patuloy na nagbigay ng impormasyon si Klare tungkol sa painting. Impormasyon tungkol sa painting at sa pintor nito. “I guess you could also add this to your collection of Guevara’s paintings. Ilan na ba ang nabili mong painting ni Guevar

  • Denying Temptation with My Husband's Twin Brother   Chapter 24

    Faye’s Point of View How could I be so stupid?! Wala naman kasing alam si Mikhael tungkol sa ginagawa ako ngayon. Ni hindi niya nga alam na nasa art exhibit ako ngayon. Hindi niya rin alam kung ano'ng ginagawa ko ngayon at bakit kailangan ko ng tulong sa sitwasyon ko ngayon. It’s crazy. Masyado na yata talaga akong desperada. Humalo ulit ako sa mga tao, nagtitingin-tingin na ulit sa mga painting, at pilit isinasawalang kibo ang nangyari kahit pa mahirap gawin. “Faye…” a middle aged woman greeted me. “Hello.” Tugon ko naman, pilit inaaalala kung sino nga siya. “I didn't know I'll see you today. Kasama mo si Engineer Matheo?” Nakangiti niyang tanong. Marahan akong umiling. “It’s just me.” I said as I tried to smile. “Oh, akala ko magkasama kayo.” Bigo niyang sabi. “May inaasikasong iba si Math—" ”Engineer.” Naputol ang sasabihin ko nang magsalita ang babaeng nasa harap ko. Ang mga mata niya'y nakapako sa likod ko kaya unti-unti akong lumingon at halos hindi mak

  • Denying Temptation with My Husband's Twin Brother   Chapter 22

    Faye’s Point of View Matheo’s money is not his actually. Ang pera niya ay galing sa kanilang pamilya. Sa tuwing kinakailangan kong dumalo sa mga charity auction o mga pagtitipon at kailangan kong gumastos ng malaking halaga, nakikita rin iyon ng mga magulang ni Matheo. They have access to it. May

  • Denying Temptation with My Husband's Twin Brother   Chapter 21

    Faye's Point of ViewKlare is an artist. Tinutulungan niya ang mga baguhang pintor na magbenta ng mga art pieces kaya every other month ay nagho-host siya ng art exhibit. Palaging naiimbitahan si Matheo sa bawat art exhibit, gusto rin kasi ng isang ‘yon ang art, kaya mahilig din siyang magkolekta n

  • Denying Temptation with My Husband's Twin Brother   Chapter 20

    Mikhael’s Point of View It was Dad who introduced me to taekwondo and boxing. Gusto niya na matuto kami ng self-defense sa pamamagitan ng pag-tri-training sa martial arts.Noong maliit pa kami ni Matheo, sakitin siya kaya hindi siya isinasama sa training. Simula five years old pa lang ako, nag-aa

  • Denying Temptation with My Husband's Twin Brother   Chapter 19

    Mikhael’s Point of View Eight years ago. “Bakit hindi ka na lang magpokus sa pag-aaral mo Mikhael? Malapit na kayong magtapos ng high school. Don’t tell me wala ka pa rin planong magseryoso sa pag-aaral mo?” Uncle Jemuel asked. It was my parents' wedding anniversary. Nasa hotel kami na pagmamay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status