공유

Chapter 20

작가: Rocel
last update 게시일: 2026-03-23 01:18:49

Lalaine POV

Nandito ako ngayon sa terrace ng bahay na tinitirhan namin dito sa Tagaytay, malayo sa lahat, habang malalim ang iniisip.

Ngayon ay nakatanaw ako sa magandang tanawin sa labas, malapit nang mag dapit hapon. Hinihintay ko ang pagdating ni Jeric, kinuha niya kasi ang mga natitira naming kagamitan sa bahay nila para dalhin dito.

Tama ba tong ginagawa ko?

Tama ba ang naging desisyon ko?

Sabi ko dati nang napatay ko si Louie hinding hindi na ko makakapanakit ng ibang tao at hin
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Playful Destiny    Chapter 20

    Lalaine POV Nandito ako ngayon sa terrace ng bahay na tinitirhan namin dito sa Tagaytay, malayo sa lahat, habang malalim ang iniisip. Ngayon ay nakatanaw ako sa magandang tanawin sa labas, malapit nang mag dapit hapon. Hinihintay ko ang pagdating ni Jeric, kinuha niya kasi ang mga natitira naming kagamitan sa bahay nila para dalhin dito. Tama ba tong ginagawa ko? Tama ba ang naging desisyon ko? Sabi ko dati nang napatay ko si Louie hinding hindi na ko makakapanakit ng ibang tao at hinding-hindi ko hahayaan pang may gamitin akong tao.. Pero eto na naman ako hindi man pisikal at hindi man nila alam, pero nasasaktan ko sila nang lihim.Sinasaktan ko sila, habang sila naman ay minamahal akom Anong magagawa ko, ngayon lang ako naging sakim sa buong buhay ko. Nabigla ako nang may yumakap sa likod ko, at alam ko si Jeric yon. "Hmm. Ang bango mo talaga." Hinalik halikan niya ako at inamoy amoy niya ako sa leeg. " Na miss kita Ga sobra. Ang ganda mo talaga." Hinarap ko siya a

  • Playful Destiny    chapter 19

    Jeric POVPapunta na kami ni Arianne sa venue ng birthday party ng mga anak ko. Ang bait at mapagmahal talaga ng asawa ko.Nauna na kami sa venue dahil marami daw pang dapat ayusin si Arianne doon. Maasahan ko talaga siya – palaging nandiyan para sa pamilya namin.Tinawagan ko lang siya na kailangan ko ng tulong dahil birthday ng mga bata, at walang pag-aalinlangan siyang umuwi agad sa Pilipinas para asikasuhin ito"Babe, anong iniisip mo?" tanong niya.Ang ganda niya lalo ngayon sa suot niyang Snow White costume. Ang cute niya, lalo na sa wig na maayos niyang isinuksok."Ikaw," sagot ko, may nakakalokong tingin na humagod sa buong katawan niya."Oh! Mukhang may binabalak ang mister ko ha?" sabi niya sa mapang-akit na boses."Kung pwedeng ngayon na eh, bakit hindi?" sagot ko habang kinakabig ang bewang niya palapit sa akin. Hinalikan niya ako ng mapusok, at tinugunan ko naman yun.Pero habang hinahalikan ko siya, iba ang mukha na gusto kong makita – si Lai."What's wrong, babe?" tanon

  • Playful Destiny    Chapter 18

    Lalaine POV Sobrang sakit ng katawan ko. May para akong hapding nararamdaman sa mga braso at binti ko. T-teka nasa kulungan pa ba ko? Bigla akong dumilat at mabilis bumangon. "Aah!" Napasigaw ako sa sakit nang katawan ko nabigla ata ang pagbangon ko bigla. "What's wrong? May masakit ba sayo?" Biglang kapit sakin ni Jeric at muhkang nag-aala siya sakin. Umiling ako at tinignan ko siya nang may pagtatanong. Kumunot noo siya. "Wala ka na bang naalala sa nangyari sayo?" Umiling ako ngumiwi siya. " Nawala ka kagabi at nakita ka sa masukal na gubat, buti na lang nakita kita at pasalamat ka dahil ang babaw lang nang pinagbagsakan mo." Inalala ko yung sinabi niya. Oo nga pala, nasaktan ako sa mga sinabi niya kaya bigla akong tumakbo. Hindi ko kasi kinaya yung mga paratang niya eh. Kung alam lang niya ang dahilan nang lahat pero para saan pa? " I'm sorry." Napatingin ako sa kaniya. "Okay lang." Sabi ko na lang dahil ayokong pag-usapan pa yun. "Bakit ka ba kasi nagpunta sa kakahuyan na y

  • Playful Destiny    Chapter 17

    Jeric POVShit! Bakit ko pa ba to nararamdaman kay Lalaine?! Pinagsisihan ko na yung nagawa ko kagabi, ayokong lokohin ang asawa ko. Mahal ko siya at si Lai, ay parte lang nang nakaraan ko. Saka niloko niya ko dapat, galit ang nararamdaman ko sa kaniya. Ang sakit nang iniwanan niya ko halos mamatay ako sa pangungulila sa kanya. Sana pinatay na lang niya ko yun ang dati kong hiling. Kapag naalala ko ang nakaraan naiinis na lang ako at sobrang naawa ako sa sarili ko.FlashbackTahimik lang kaming dalawa ni Ga. Napagkasunduan na namin na ma live in na kami. Maayos naman kaming nagsasama dahil nagmamahalan kaming dalawa, pero itong mga nakaraang araw parang may nagbago sa mga kilos niya.Naging laging tahimik, ayaw makipag-usap at palaging dis oras na kung umuwi. Samantalang teacher lang naman siya, ang alibi niya ay palagi daw madaming ginagawa sa School nila."Ayoko na Jeric. Maghiwalay na tayo."Napatayo ako sa sinabi niya. Mali lang siguro ako nang pagkarinig."What?" Sana mali nga

  • Playful Destiny    Chapter 16

    Lalaine POV Maaga akong nagising para magluto ng almusal. Nakakahiya naman kasi kung nakikitira kami rito tapos sitting pretty lang ako. Gising na rin ang mga kambal ko dahil sanay silang gumising nang maaga. Nasa garden sila, naglalaro kasama si Bo.“Lalaine, bakit ikaw pa ang nagpe-prepare niyan? Hayaan mo na lang ang mga maids. Trabaho nila ’yan,” nakangiting sabi sa’kin ni Arianne. Grabe, napakaganda niya talaga—at napakabait pa, lalo na sa mga anak ko.“Naku, okay lang. Sanay naman ako sa ganitong gawain,” sagot ko.Inayos ko na agad ang mesa. Nakatingin lang siya sa’kin kaya medyo naiilang ako. Bigla niyang kinuha ang plato sa kamay ko, pero nadulas iyon at nabasag.“Anong nangyari?” Biglang tanong ni Jeric na bumungad sa amin—bagong ligo at mukhang papasok na sa trabaho. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang office attire. Hindi lang siya abogado—negosyante rin siya. May kumpanya silang magkakaibigan, lima silang nagmamay-ari.“Hon, tutulungan ko sana si Lai maghanda ng bre

  • Playful Destiny    Chapter 15

    Chapter 15Lalaine POVNasa mansyon na kami nina Jeric—napakalaki at napakaganda ng bahay. Papunta na rin si Bo para dalhin ang mga gamit niya rito dahil agad siyang pumayag na tumira kasama nila Jeric, para sa mga anak ko at para sa akin.“Nanay, ang ganda po ng bahay ni Tatay. Parang bahay din po ni Tito Ambo, ’noh?” tuwang-tuwang sabi ni Jelai habang paikot-ikot ang tingin sa paligid.“Siguro po, Nay, kapag sinuot ko yung mga dress na binili sa’kin ni Tita Arianne, magmumukha po akong prinsesa.”Napangiti ako. Nakakatuwang panoorin ang anak ko kapag masaya.“Of course, darling. You’re so beautiful.”Napatingin kami sa nagsalita—si Arianne pala.Napakaamo ng mukha niya, at ramdam mo agad ang kabaitan niya.“Gusto mo bang gawin kitang model para sa kids’ collection namin?”“Talaga po?!” halos tumalon sa tuwa si Jelai.“Gusto ko po ’yan!”Ngunit bigla siyang umangat sa lupa—binuhat pala siya ni Jeric.“You’re too excited, my princess,” nakangiting sabi ni Jeric.“Siguradong sold out a

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status