“Sir,” mahinang sabi niya sa tawag, pilit steady kahit nagkakagulo sa paligid, “sige po… mamaya po pupuntahan ko po kayo sa condo ninyo. Busy lang po ako ngayon.”“Busy?” malamig na boses ni Jayden. “With what?”Napalingon si Gracie sa mga kapitbahay niyang nagbubulungan, may umiiyak, may nag-aaway, may nagtatanong kung saan sila pupunta. Nilunok niya ang kaba.“Meeting po, Sir. Tungkol po sa demolition.”Tahimik si Jayden saglit. Pero bago pa ito makapagsalita ulit.May biglang sumigaw.“Andyan na si Mang Romulo!”Napalingon siya.Dumating si Mang Romulo, ang may-ari ng lupa. May hawak na folder at mga papel, kasama ang isang barangay official at dalawang tauhan na mukhang sanay manindak. Hindi ito nagmamadali. Pero sa bawat hakbang nito, parang lumiliit ang mundo ng Kalye Pusali.“Sir, later po,” aniya sa Jayden, sabay ibinaba ang telepono.Sumulong si Mang Romulo sa harap, parang may microphone kahit wala.“Final na,” anunsyo niya, malakas ang boses. “May buyer na.”Parang may hinig
Read more