Pagbukas ni Jayden ng pinto, tumambad si Jewel, nakapambahay na silk robe, mukhang anghel. Pero ang mata… mapanuri. Parang kutsilyong nakabalot sa ribbon.“Kuya,” malambing nitong sabi, sabay pasok ng tingin sa loob ng kwarto. “Why is the maid here? Wala ka ngang pinapapasok dito sa loob ng room mo.”Napapitlag si Gracie sa tabi ng mesa, hawak pa ang tray. Gusto niyang maglaho. Gusto niyang tumakbo. Pero wala siyang magawa kundi tumayo roon.Si Jayden, ni hindi kumurap. Tumalim ang boses nito.“May tinatanong lang ako sa kanya. Bumalik ka na sa kwarto mo para matulog, maaga pa ang pasok mo.”Napangiwi si Jewel na parang nasaktan, pero hindi tumugma sa mata nitong kumikislap sa gulat at inis. Hindi ito sanay na pinapaalis.“Kuya, I’m just asking,”“Jewel,” anitong parang utos na may bakal. “Go to bed.”Pero bago tuluyang tumalikod si Jewel, tumama ang tingin nito sa kanya. Matagal at mapanuri. Parang minamarkahan siya.Kumurba ang labi ni Jewel sa isang ngiting matamis, pero may lason.
Read more