“Why are you protecting her?” tanong ni Donya Margie.Hindi kumurap si Jayden. “Mom, she’s my personal maid. Masyado kayong advanced mag-isip.”Bahagyang ngumiti ang Donya. “Nagtatanong lang ako. If you like her, walang problema.” Sumulyap ito sa hagdan kung saan nakatayo si Gracie, pilit nagkukubli sa anino. “Tanya is already married. Time to move on.”Tumigas ang panga ni Jayden. “Mom, I’m busy.” Tumayo siya, ayaw patagalin ang usapan. “Let’s talk some other time.”“Busy,” ulit ng Donya, halos pabulong. “Sige, anak.”***Kinagabihan, halos hindi na gumana ang katawan ni Gracie sa pagod. Pagbalik niya sa kwarto, bumagsak siya sa kama. Nakatulog siya nang hindi man lang nakapagdasal.Kaya nang may kumatok kinaumagahan, pupungas-pungas siyang bumangon.“Annie?” tawag niya habang binubuksan ang pinto, akala niya ay dumating na ang kaibigan.Pagbukas niya, nanlaki ang mata niya.Si Sir Jayden.Naka-long sleeves, maayos ang buhok, parang pagkabango-bango. Sa kamay nito, may garment bag at
Read more