Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Basta ang alam ko lang, kailangan kong lumayo sa bakeshop na iyon. Huminto ako sa tapat ng isang maliit, lumang inn malapit sa terminal ng tricycle. Pagod, puyat, at basag ang puso ko na nag-check in para sa isang gabi.Pagkapasok ko sa maliit na kwarto, ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at doon tuluyang humagulgol. Mas masakit pala ito. Mas masakit na makita siyang buhay at maayos ang kalagayan, pero hindi ka naman na kilala.‘Magkakilala ba tayo?’Paulit-ulit na umuusbong ang boses niya sa utak ko. Ano, may amnesia na ba siya? Kung ganoon, paano nangyari 'yun? Naaksidente ba siya habang tumatakas papuntang Malaysia? Pero bakit pakiramdam ko ay siya ang may gawa nung nakita kong logo ng bakeshop? Kung tama nga ang hinala ko, bakit nandoon pa rin ang estilo ng isang arkitekto na nakilala ko?Pagsapit ng gabi, hindi pa rin ako dinalaw ng antok. Nakatitig lang ako sa bintana ng inn habang pinapakinggan ang tunog ng mga kuliglig sa la
Zuletzt aktualisiert : 2026-10-11 Mehr lesen