Ang tadhana ay isang mahusay na manunulat ng trahedya. Sa gitna ng karangyaan, sa ilalim ng mga kumukutitap na chandelier, doon nito madalas itinatago ang pinakamasakit na pagtatagpo. Dahil ang katotohanan, gaano man kaganda ang iyong kasuotan, hindi nito kayang itago ang sugat ng pusong pilit na kumakawala sa isang maling sumpa.Sa loob ng marangyang boutique sa BGC, ang bawat disenyo ay tila isang sining na tanging ang mga mayayaman lang ang may karapatang humawak. Doon, nakatayo si Jaxson De Silva, suot ang kanyang pasadyang suit na tila sadyang ginawa para sa kanyang matikas na tindig. Sa tabi niya ay si Sienna Valderama, na ang itim na velvet dress ay bumagay nang husto sa awra ni Jax. Sila ang depinisyon ng isang "power couple", mga taong tila hindi kayang abutin ng mga ordinaryong mamamayan.Napaka-liit nga naman ng mundo, saisip ni Celine habang pilit na humihiling na sana ay lamunin na lang siya ng lupa.Subalit bago pa man niya tuluyang maitago ang sarili, ang matalas na pan
Zuletzt aktualisiert : 2026-03-05 Mehr lesen