Ang asawa ni Sam na si Liam Villena, mas kilala sa tawag na "The Third Master,” ay sadyang kinatatakutan sa buong Maynila.Sabi-sabi na si Liam ay may galamay sa parehong marangal na negosyo at sa madilim na mundo ng mga sindikato. Sa labas, siya ang CEO ng Villena Group, pero sa ilalim, binansagan siyang nabubuhay na “Hukom ng Impyerno." Siya ang pumatay sa dating makapangyarihang Imperial Family sa loob lang ng isang gabi. Walang awa niyang giniba ang bawat pundasyon ng pamilyang iyon, tila isang demonyong kumukuha ng kaluluwa.Ang mga Perez at Villena ay matagal nang ipinagkasundo. Sa orihinal na kasunduan, ang kapatid ni Sam ang dapat na ikakasal kay Liam. Pero dahil ang kapatid ni Sam ay nagmahal sa panganay na anak ng mga Imperial, na namatay sa sobrang depresyon matapos silang pabagsakin ni Liam, isinumpa ni Sam ang lalaki. Mas pipiliin pa ni Sam na magmadre kaysa pakasalan ang "demonyo," pero dahil sa utang ng pamilya, siya ang sumalo sa kasunduan.Kahit mag-asawa na sila, wa
Zuletzt aktualisiert : 2026-03-11 Mehr lesen