Tahimik ang biyahe nila palabas ng subdivision ni Rafael, ngunit hindi iyon yung klase ng katahimikan na awkward—mas parang may mga bagay na hindi sinasabi, pero ramdam sa pagitan nila. Maaga pa, kaya halos wala pang sasakyan sa kalsada. Malamig pa ang hangin, at ang liwanag ng araw ay dahan-dahan pa lang sumisilip sa gilid ng mga gusali.Hawak ni Rafael ang manibela, diretso ang tingin sa daan, pero paminsan-minsan ay napapasilip siya kay Luna na tahimik lang sa passenger seat. Nakatingin ito sa labas ng bintana, tila nag-iisip.“Ihahatid muna kita sa inyo,” basag ni Rafael sa katahimikan, kalmado ang tono pero parang hindi iyon tanong—desisyon na agad.Napalingon si Luna sa kanya. “Sir—okay lang po, kaya ko naman po—”“I said I’ll drop you off,” putol niya, bahagyang tumingin sa kanya. “Don’t argue.”Napabuntong-hininga si Luna, pero bahagya rin siyang napangiti. “Opo.”Mabilis lang ang naging biyahe. Ilang minuto lang, narating na nila ang mas makipot na daan papasok sa lugar ni Lu
Read more