Pagdating ng tanghali, hindi na napigilan ang pag-usbong ng usap-usapan sa loob ng kumpanya. Sa pantry, sa hallway, pati sa mismong workstations—pare-pareho ang paksa.“Napansin mo ba? Sabay na naman silang dumating kanina.”“Hindi lang ‘yon… nakita mo ba suot ni Luna? Grabe, parang… ewan.”“Baka naman—” pabulong na halakhak ng isa. “Alam mo na.”“Uy, wag ka… baka totoo yung sinasabi nila.”Sa isang sulok, may ilan ding hindi mapigilang kiligin.“Pero grabe ha… ang lakas ng dating nila. CEO tapos isang empleyada lang… parang ang powerful.”“Parang k drama lang.”“Shhh, baka may makarinig.” chismisan ng mga ibang nakakita.Sa kabilang banda, nakatayo si Roset, tahimik na nakikinig pero halatang may ibang iniisip. Nakapulupot ang braso niya, nakataas ang baba, at ang mga mata—punong-puno ng inis.“Bagay?” malamig niyang bulong. “oh Please, nakakasuka.”Lumapit sa kanya ang isa sa mga kaibigan niya.“Roset, narinig mo na? Sabi nila—”“Alam ko,” putol niya, bahagyang ngumiti pero halatang
Baca selengkapnya