Naroon pa rin sina Rafael at Luna sa loob ng opisina. Tahimik ang buong silid ngunit mabigat ang hangin sa pagitan nila. Nakalatag sa mesa ang ilang dokumento, tablet, at laptop, ngunit ni isa sa mga iyon ay wala sa isip nila. Pareho silang nakaupo sa sofa, magkatapat, habang iniikot ni Rafael ang baso ng malamig na tubig sa kamay niya. Hindi pa rin niya magawang sabihin nang direkta ang lahat ng nalaman niya dahil alam niyang kapag narinig iyon ni Luna, baka tuluyan itong panghinaan ng loob.Si Luna ang unang bumasag sa katahimikan.“Sir… kanina pa po kayo hindi nagsasalita. Simula noong sinabi niyo na may balak sina Victor at Rosset, parang ang lalim na po ng iniisip niyo. Hindi ko na po kayo halos makilala.”Napabuntong-hininga si Rafael bago marahang inilapag ang baso sa center table. Tumingin siya kay Luna, at sa unang pagkakataon ay nakita nitong may halong pagod at kaba ang malamig na mga mata ng CEO.“Luna… hindi ako natatakot para sa kumpanya.”Napakunot-noo si Luna.“Hindi p
続きを読む