Naroon pa rin si Rafael sa harap ng malaking bintana ng opisina habang pinagmamasdan ang desk ni Luna mula sa salamin. Tahimik ang buong floor, ngunit sa loob-loob niya ay tila may ingay na hindi matigil. Hindi niya maalis sa isip ang sinabi ni Victor, ang nangyari noong nakaraan, at ang kakaibang kutob na may panibagong binabalak si Rosset.Ilang segundo pa ang lumipas bago siya bumuntong-hininga at pinindot ang intercom.“Ms. Luna, come to my office.”Sa kabilang mesa, napatingin si Luna sa telepono bago marahang tumayo. Napansin iyon ng ilang empleyado.“Pinapatawag na naman…”“Araw-araw na yata.”“Huwag kayong tumingin, baka mahuli tayo.”Hindi na lamang pinansin ni Luna ang mga bulungan. Bitbit ang tablet at maliit na notebook, marahan siyang kumatok.“Sir?”“Come in.”Pagpasok niya ay agad na isinara ni Rafael ang pinto. Hindi siya agad nagsalita. Naupo lamang siya sa swivel chair habang nakatitig kay Luna na tila sinusuri kung may mali na naman ba rito.Napakunot-noo si Luna.“
閱讀更多