Nagpatuloy ang hapon sa loob ng kumpanya na tila ba walang nangyari, ngunit para kina Luna at Rafael, pareho nilang alam na simula pa lamang iyon ng mas magulong mga araw. Habang abala ang lahat sa kani-kanilang mga report at deadlines, tahimik namang nakaupo si Luna sa harap ng laptop niya. Mabilis ang paggalaw ng mga daliri niya sa keyboard, ngunit paminsan-minsan ay napapahinto siya at napapatingin sa salamin ng opisina ni Rafael.Hindi niya alam kung bakit, pero mula nang mangyari ang mga nakaraang araw, pakiramdam niya ay lagi siyang may matang nakabantay sa bawat kilos niya.At tama nga ang kutob niya.Sa loob ng CEO office, nakaupo si Rafael habang nakaharap sa monitor. May hawak siyang fountain pen ngunit halos limang minuto na itong hindi gumagalaw sa ibabaw ng kontrata. Imbes na basahin ang dokumento, ang tingin niya ay nasa transparent glass wall kung saan tanaw na tanaw niya ang desk ni Luna.Napabuntong-hininga siya at marahang napailing.“What the hell are you doing, Raf
続きを読む