Hindi ako kumilos agad.Hindi dahil natatakot ako, kundi dahil alam kong mali ang unang galaw kapag emosyon ang nauuna. Ilang oras akong nanatili sa loob ng kwarto, hindi gumagawa ng kahit anong obvious na attempt para makatakas. Umupo ako, tumayo, naglakad ng dahan-dahan mula pinto hanggang bintana, paulit-ulit, parang walang direksyon—pero sa totoo lang, may sinusundan akong ritmo. Ang bawat hakbang ko, bawat paghinga, bawat paglingon sa paligid, may sinusukat.Kung totoo ang sinabi ni Vaughn na binabantayan niya ang bawat galaw ko, then good. Hayaan niyang makita ang gusto kong ipakita.Bandang hapon nang marinig ko ulit ang mga yabag sa labas. Tatlong pares. Mabigat ang lakad, hindi nagmamadali, pero sabay-sabay. Security rotation. Hindi random. Consistent.Pinikit ko ang mata ko at inulit sa isip ang timeline. Halos kada dalawang oras, may dumadaan. Hindi sila pumapasok. Hindi rin sila nagsasalita nang malakas. Pero minsan, may mahinang static mula sa radyo nila—enough para malam
Last Updated : 2026-05-02 Read more