Hindi agad nagsalita si Leandro. Tahimik lang siyang nakatingin kay Isadora— pero ang mga mata niya, hindi na yung dati kong kilala. Mas malamig. Mas matalim. “Lumabas ka,” utos niya. Diretso. Walang emosyon. Ngumiti si Isadora, tila ba aliw na aliw pa. “Or what?” ulit niya— parang ginagaya ako kanina. Pero ngayon— iba na ang sagot. Dahan-dahang humiwalay si Leandro sa pagkakayakap ko. Ayaw ko sana— pero pinisil niya ang kamay ko, parang sinasabing nandito lang ako. Isang hakbang pasulong. “Or I stop playing nice.” Tahimik ang buong kwarto. Kahit ako— napalunok. Dahil sa unang pagkakataon… nakita ko kung gaano siya kadelikado kapag may kinalaman na ako. Tumawa si Isadora. Pero hindi na iyon kampante. “Ah…” bulong niya. “Ngayon ko lang nakita ‘yan sa’yo, Leandro.” Hindi siya sumagot. Sa halip— lumapit pa siya. “Game over na, Isadora.” Isang segundo ng katahimikan. At pagkatapos— biglang nag-iba ang e
Read more