Hindi gumagalaw si Leandro. Pero ramdam ang galit niya—malamig, tahimik, pero handang sumabog. Nakatingin lang siya kay Isadora. Diretso. Walang takot. “Lumayo ka sa kanya,” babala niya. Ngumiti si Isadora, parang wala lang nangyari. Parang hindi siya ang bumaril. “Too late,” sagot niya. “Nasa akin na ang gusto ko.” Humigpit ang hawak ko kay Lia. Mahina na ang hinga niya. “Leandro…” nanginginig kong tawag. Saglit lang siyang napatingin sa’kin— at sa isang iglap, nagbago ang desisyon niya. Hindi na siya umatake. Lumuhod siya sa tabi namin. “Tingnan mo ako,” sabi niya kay Lia, mas mahinahon na ngayon ang boses niya. “Hindi ka mamamatay. Hindi dito. Hindi ngayon.” Ngumiti si Lia, pero halatang hirap na siya. “Kuya…” mahina niyang sabi. Nanlaki ang mata ko. Kuya? Pero mas lalong nanigas si Leandro. “Hindi mo na kailangang magsalita,” mabilis niyang sabi. “Magpahinga ka lang.” Pero umiling si Lia. “Sorry…” bulong niya.
Read more