Hindi pa doon natatapos. Pagkasuot ng singsing— hindi niya agad binitawan ang kamay ko. Sa halip, dahan-dahan niya itong inilapit sa labi niya, at marahang hinalikan. Hindi magarbo. Hindi palabas. Pero ramdam ko— parang may tinatakan siya sa puso ko. “Akin ka,” bulong niya. Napangiti ako, lumapit pa nang kaunti. “At ikaw?” tanong ko, mahina. Hindi siya sumagot agad. Sa halip, hinawakan niya ang baywang ko, hinila ako palapit sa kanya— hanggang sa wala nang pagitan. “Matagal na,” sagot niya, halos pabulong sa labi ko. At bago pa ako makasagot— h******n niya ako. Dahan-dahan. Parang ayaw akong masaktan. Parang ayaw matapos. Pero habang tumatagal— lalo itong lumalalim. Mas totoo, at mas ramdam. Napahawak ako sa balikat niya, at naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap sa’kin. Parang ayaw na talaga akong pakawalan. “Leandro…” bulong ko sa pagitan ng halik. “Hmm?” “Hindi ka na pwedeng umatras.” Bahagya siyang napangiti laban sa labi ko. “Hindi ko na nga kayang umalis,”
Read more