May mga kaaway na hindi agad sumusuntok.Ngumingiti muna sila.Tahimik ang biyahe pauwi. Nasa likod si Amaryllis, nakasandal sa upuan, yakap ang sarili. Hindi siya tulog. Kilala ko na ang itsura ng tulog na pilit. Yung mata na nakapikit pero handang bumukas sa kahit anong tunog.“Malapit na tayo,” sabi ko.Tumango siya. Walang salita. Pero ramdam ko—pagod na pagod siya.Pagdating sa bahay, agad kong pinagalaw ang security. Double check, lockdown mode, walang lalapit, walang lalabas.“Marco,” sabi ko sa phone, “lahat ng exit bantayan. Walang butas.”“Opo sir,” sagot niya. “May kakaiba lang.”Huminto ako. “Ano?”“May sumunod sa van. Hindi malapit. Pero nandun.”Tumingin ako kay Amaryllis. “Sa kwarto ka muna.”“May nangyayari,” sabi niya.“Oo, at ayokong makita mo.” sagot ko sa kanya.“Hindi na ako bulag, at hindi na rin ako kahon.” sagot niya.Napatingin ako sa kanya, sandali, tapos tumango ako.“Sa likod ka lang, huwag kang lalapit.” sabi ko
Read more