Nang maubos ang dextrose ni Ayesha ay lumabas na sila ng hospital. Maingat na pinasakay ni Kian si Ayesha. Tahimik lang silang dalawa habang nasa byahe.“Ihahatid na ba kita sa bahay niyo para makapagpahinga ka?” tanong ni Kian.“Bumalik na tayo sa kompanya. I’m fine, napagod lang siguro ako.” Nilingon ni Kian si Ayesha, salubong na naman ang mga kilay niya.“Papagurin mo pa rin ang sarili mo?”“Hindi naman.”“Hindi?” bakas ang galit sa tinig ni Kian pero nangingibabaw pa rin ang pag-aalala nito para kay Ayesha. “Ayesha, isinusobsob mo ang sarili mo sa trabaho. Pinapagod mo ang sarili mo. Sabihin mo nga sa akin, sinasadya mong pagurin ang sarili mo para mawala ang batang nasa sinapupunan mo?”“Hindi naman yun ang dahilan kung bakit ko maagang tinatapos ang mga gawain ko.”“Then tell me, explain it to me. Siguraduhin mo lang na katanggap-tanggap ang sasabihin mo, Ayesha. Hindi lang ang batang nasa sinapupunan mo ang mapapahamak, ikaw din!” Sa galit ni Kian ay mabilis na bumagsak ang mg
Read more