Ibinaba ni Ayesha ang bag niya sa lamesa niya saka siya naupo sa swivel chair niya. Tiningnan niya ang tambak na mga papeles sa harap niya.“Come in,” sagot niya nang may kumatok sa pintuan niya. Pumasok naman si Nick. Matamis niyang nginitian si Ayesha saka ito naupo sa upuan na nasa harap ni Ayesha.“Good morning, kumusta ka na?” ngumiti naman si Ayesha.“Ayos lang naman. Mukhang busy ka nitong mga nakalipas na araw ah.”“Oo nga eh. Kailangan lang naming magfocus sa campaign namin. Alam mo, parang ang gulo ng paligid nitong mga nakalipas na araw ‘no?” Napapaisip naman si Ayesha kung may alam ba si Nick sa mga nangyayari.“Bakit naman?” Napakibit balikat si Nick.“Pakiramdam ko lang naman. Kung stepdaughter ka ni Sir Dexter, so you personally know Sir Rafael?” Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Ayesha. Posible bang may napapansin si Nick kay Rafael?“Yeah, of course pero hindi naman kami close sa isa’t isa lalo na at hindi naman kami madalas magkita at mag-usap. Bakit mo siya nata
Read more