Tiningnan ni Kian ang mukha ni Ayesha at tila ba nagdadalawang isip na ito kung itutuloy pa ba nila ang relasyon nila.“Natatakot ka bang malaman niya ang tungkol sa atin? Ayesha, hindi natin maitatago sa kanila habang buhay ang tungkol kay Zayn.”“Alam ko naman yun pero hindi mo maaalis sa akin ang takot. Masasaktan ko ang mommy ko. Hindi rin maganda ang relasyon niyo ng daddy mo at siguradong lalong masisira ang samahan niyong dalawa.” Nag-aalalang sambit ni Ayesha.“I’m sorry, Ayesha, pero hindi ko na iniisip yun. Sa mga nakalipas na taon, hindi inisip ni dad ang nararamdaman ko kaya bakit ko iisipin ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang ako ang ama ni Zayn? Sa ayaw at sa gusto natin, masasaktan pa rin sila. Tell me, ayaw mo ba akong ipaglaban?” muling nagpakawala ng malalim na buntong hininga si
Read more