Ilang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon, wala pa ring nangyayari sa paghahanap nila. Pagod na rin sila, masakit na ang mga paa at binti nilang maglakad nang maglakad.“Daig ko pa ang nag-exercise. Sobrang sakit na ng mga hita at binti ko. Kaya niyo pa bang maglakad?” reklamo ni Kaye. Nagrereklamo siya sa sakit ng mga binti niya pero masaya siyang samahan ang kaibigan niya.“Magpahinga na muna tayo ngayon. Bukas na lang ulit.” Sagot ni Ayesha.“Gusto niyo bang bumalik tayo sa bar?” anas naman ni Lalaine kaya sabay na napatingin si Kaye at Ayesha sa kaniya. “Hindi naman tayo mag-iinom ng sobra, kaunti lang naman saka malay mo, makita natin siya dun.” Dagdag pa ni Lalaine.“Kung sabagay, limang taon na rin yung huling nag-inom tayo. Go ka ba Ayesha?&rd
Read more