Nang makaalis si Dexter ay tinawagan kaagad ni Rafael ang secretary niya. Sinigurado na muna ni Rafael na nakalock ang pintuan niya.“Sir,” sagot ni Jio sa tawag ni Rafael.“Lumayo ka muna, magtago ka kasama ng pamilya mo. Ako na ang bahala sa perang gagamitin niyo para makapagsimula. Sa ngayon, kailangan mong magtago at huwag ka ng babalik dito. Magpakalayo-layo kayo ng pamilya mo. Kung kinakailangang sa probinsya kayo mamuhay, gawin mo kung ayaw mong sa kulungan ang bagsak mo dahil oras na nahuli ka ni Dexter, hindi na kita matutulungan.” Utos ni Rafael. Napapaisip naman si Jio. Nasa Manila ang magandag opportunity, nasa Manila rin ang magagandang hospital para sa asawa niya.“Mananatili sa bahay namin ang pamilya ko. Ako na lang ang lalayo pero nakikiusap po ako sir, ikaw na ang bahala sa perang kailangan ng pamilya ko. Hindi mo pwedeng hindi ako tulungan dahil kapag nahuli nila ako at wala kang ginawa, kakanta ako.” Lakas loob na wika ni Jio.Napahigpit naman ang pagkakahawak ni R
Read more