BLACK SAVIANO’S POINT OF VIEWKINABUKASAN.BLAG!“WHAT THE FUCK! PAANONG NAWALA?!”Isang malakas, nakakabingi, at nagwawalang pagsabog ng galit ang kumawala sa dibdib ko. Buong lakas kong inihampas ang mga kamay ko at ibinagsak ang isang mabigat sa mismong table sa sala ng bahay ko.Nabasag ang mga mamahaling vase, nagkalat ang mga gamit sa sahig, pero hindi sapat iyon para bawasan ang nagngangalit na demonyo sa loob ko.Nakahilera sa harap ko ang anim na matitipunong tauhan, ang mga pinakamagagaling kong bantay na itinalaga ko para siguraduhing hindi makakaalis si Yna sa paningin ko.Ngayon, lahat sila ay nakayuko, namumutla, at nanginginig sa matinding takot habang nakatitig sa sahig.“B-Boss... pasensya na po...” utal-utal at pinagpapawisang sagot ng head security, halos hindi makabuo ng tamang salita dahil sa takot na baka bunutin ko ang baril ko at pasabugin ang ulo niya. “P-Pumasok po siya sa loob ng unit niya... sinigurado po namin na naka-lock ang pinto mula sa labas. P-Pero nu
最後更新 : 2026-05-12 閱讀更多