“M-magpahinga ka na...” garalgal at nanginginig na utos ko, pilit na itinatago ang takot at epekto ng halik niya sa akin. Niyakap ko ang sarili ko, hindi makatingin nang diretso sa kaniya pero halos tumindig ang balahibo ko nang mapansin kong sandali siyang napangisi. Naplunok ako, ano ba kasi talaga ang gusto ng lalaking ito sa akin?“H-hindi mo pwedeng puwersahin ang sugat mo. F-first aid lang ang nilagay ko d'yan kaya... kaya mas mabuting ipahinga mo muna ang katawan mo.” utal-utal at iwas kong saad.Pilit kong ginawang parang isang ordinaryong paalala iyon. Pilit kong itinatago ang katotohanang muntik na naman akong bumigay sa kaniya.Tinitigan niya ako. Isang mahaba, malalim, at nanunuot na titig.“All I need was your kiss, Little Bird,” paos, mababa, at nakakapanindig-balahibong Ingles na usal niya.Napalunok ako.“That makes me feel better... or maybe just hungry for more.” patuloy niya, ang mga mata ay hindi man lang kumukurap habang kinukulong ako sa kaniyang paningin.Umiwas
最後更新 : 2026-05-15 閱讀更多