“Black...” mahinang tawag ko.Tumigil siya sa pag-aayos ng kit at nag-angat ng tingin.“Si Mark?” nag-aalangang tanong ko, nakipagtitigan sa kaniya. “A-Anong ibig mong sabihin kanina? 'Yung sabi mo... he sold me?”Huminto ang paggalaw ni Black. Ibinaba niya ang medical kit sa sahig. Dahan-dahan siyang sumandal at itinukod ang dalawang kamay sa likuran niya, tinititigan ako nang malalim.Nang marinig niya ang pangalan ni Mark, mas lalong naningkit ang mga mata niya. Ang awra ng pagiging malamig na boss ng underground ay muling bumalot sa kaniya.“Siya ang nagbibigay ng location mo sa kalaban, Yna. Kaya ka nasusundan,” malamig at direktang sagot niya.Nanlaki ang mga mata ko. Parang huminto ang pagtibok ng puso ko. “A-Ano? Paano... paanong si Mark?”Yukom ang kamaong nakapatong sa kama, huminga nang malalim si Black, ang boses ay nagngangalit sa pagpipigil.“According to my private investigator, he kept his distance close to you. Kaya hindi siya umaalis sa paligid mo, kaya siya laging na
Last Updated : 2026-05-23 Read more