Matapos ang araw na tinalikuran ni Darken ang pamilya namin, noong pinili ng sarili kong kadugo na umalis at mamuhay nang normal, ipinalit ko si Hunter bilang halili ko, ako mismo ang nag-train sa kan’ya.Hand-by-hand combat, paghawak ng iba't ibang klase ng baril, at ang pinakamahalaga, kung paano maging walang awa. Kilala ko si Hunter. Minsan, makulit at puro kalokohan. Siya ang tipo ng taong kayang magbiro habang may hawak na pugot na ulo. Pero pagdating sa trabaho at katapatan, hindi ko kailanman kinwestyon ang lalaking iyon. Huminto ako eksakto sa labas ng mabigat na bakal na pinto ng torture chamber. Nakasara ito nang tuluyan. Hindi ko inabot ang doorknob. Hindi ko binuksan. Nanatili lang akong nakatayo sa labas, matalim ang mga mata habang tahimik na nakikinig sa mga nangyayari sa loob. Mula sa likod ng makapal na pinto, dinig na dinig ko ang pag-ubo ng dugo ni Mark at ang malamig na boses ni Hunter. “T-Tama, h-hindi ko—” umiiyak at nagmamakaawang boses ni Mark pero agad
Last Updated : 2026-05-27 Read more