Jusko, lupa! Kainin mo na ako nang buhay ngayon din! Parang awa mo na, ibuka mo ang sahig at lamunin mo ako!Mabilis kong ibinaba ang mukha ko. Nagkunwari akong abala sa pag-aayos ng table napkin sa kandungan ko, pilit na tinatakpan ang gilid ng mukha ko gamit ang buhok ko. Nanginginig ang mga kamay ko, ang dibdib ko ay parang sasabog sa sobrang lakas ng kabog.Wag kang titingin dito. Wag kang titingin dito, demonyo ka. Magpanggap kang hindi mo ako kilala!“Hindi ba, iyan ang boss mo na hinatiran ng folder kahapon, babe,” biglang saad ni Tristan, humihiwa muli ng steak nang walang kaalam-alam sa matinding kaba na nagpapatay sa akin ngayon. “He’s playboy, huh.”“S-Sshh! B-Babe, wag ka nang tumingin d'yan. K-Kumain na lang tayo,” utal at nanginginig na saway ko, hindi pa rin iniaangat ang paningin ko mula sa plato.Naramdaman ko ang pagdaan nila sa mismong gilid ng table namin. Naamoy ko. Naamoy ng sensitibong ilong ko ang pamilyar na pabango niya—ang pinaghalong amoy ng mint, musk, at m
Last Updated : 2026-08-01 Read more