“ Kaya... kaya please, hindi ko po kailangan ang pera ninyo.”Isang mahaba, nakakabingi, at nakakapasong katahimikan ang namayani sa buong opisina.Tinitigan lang ako ni Hunter. Ang mga mata niya ay walang emosyon, ngunit sa kaibuturan nito, alam kong nababasa niya ako.He looked like he knows I’m lying.“Very well,” malamig na sagot niya pagkatapos ng mahabang pagpapakiramdaman namin. Naglakad siya pabalik sa kaniyang mahogany desk, tuluyang tinalikuran ako. “If you’re so proud and independent, then consider the hospital bills and the apartment as part of your VVIP salary package. It is standard corporate protocol for key employees. I don’t care about your personal life, Alvarez. I only care about your output.”Bumalik ang pormal at malamig niyang tono. Ang CEO persona niya na palaging nagsusungit sa akin.Umupo siya sa kaniyang swivel chair at binuksan ang isang folder sa mesa, tila ba biglang nawalan na siya ng pakialam sa existence ko.“You’re dismissed. Get out of my office,” uto
Huling Na-update : 2026-08-15 Magbasa pa