Tristan: Babe, pagod ako sa site ngayon, baka madaling-araw na ako makauwi sa apartment, huwag mo na akong hintayin.Napabuntong-hininga ako nang malalim. Tinitigan ko ang screen ng cellphone ko, isang matinding alon ng konsensya ang mabilis na lumunod sa akin.Parang may malamig na kamay na pumiga sa puso ko. Nandito ako ngayon, nakatayo sa isang bilyun-bilyong halagang event, pinalilibutan ng luho at yaman, kasama ang lalakeng nakabuntis sa akin... habang ang boyfriend ko, ang lalakeng tatlong taon kong minahal, ay nagpapakahirap sa construction site.Nagpapapawis. Nag-o-overtime para lang may makain kami at para sa future naming dalawa.Napakasama kong tao, umiiyak na sigaw ng isip ko.Sobra-sobra na ang ginagawa ni Tristan. Nirespeto niya ako sa loob ng tatlong taon.Wala kaming ginawa kundi holding hands at simpleng halik sa labi dahil gusto niyang maghintay hanggang sa makasal kami.Tapos heto ako... nagbunga ang isang gabing pagkakamali na akala ko ay isa lamang marumi at wild n
Huling Na-update : 2026-08-06 Magbasa pa