Nang lumabas ako ng kwarto, nakatayo na si Hunter sa living room.Nakasuot siya ng isang perpektong tailored black suit na walang tie, ang unang dalawang butones ng kaniyang itim na dress shirt ay nakabukas.Madilim. Delikado. N-napakagwapo! Jusko kahit sa loob ng utak ko, nauutal ako!Nang magtama ang paningin namin, literal na tumigil siya sa paghinga.Ang mga mata niya ay nanlaki nang bahagya bago tuluyang dumilim sa isang emosyong pamilyar na pamilyar sa akin.“Cancel the dinner,” madiin na utos niya sa kawalan, hindi inaalis ang tingin sa akin. “Gregor, tell them we’re not coming. We’re staying in the bedroom.”“Hunter!” mabilis na saway ko, namumula habang pinapalo ang matigas niyang braso nang lumapit ako. “Nakakahiya ka, andito ang mga stylists!”Tumawa lang siya, isang buo at masayang tawa, bago niya inangkin ang baywang ko at hinalikan ang noo ko nang matagal. “You look breathtaking, baby. So damn beautiful. Kung hindi lang kailangan kitang ipakilala sa kanila, ikukulong na
Dernière mise à jour : 2026-09-19 Read More