Kung akala ko ay tapos na ang stress ko nang mag-propose si Hunter, nagkakamali ako.Kinabukasan, parang sinalakay ng mga alien ang penthouse. Paggising ko, may limang babaeng nakasuot ng pormal na suit ang nakatayo sa sala, may mga bitbit na makakapal na binder, fabric swatches, at mga tablet.“Miss Alvarez, we need to finalize the 500-guest list by this afternoon. Also, the Mayor of Manila and three Senators have RSVP’d. We need to secure their seating arrangements away from the Saviano corporate rivals,” mabilis na paliwanag ng head wedding planner na nagngangalang Madam Giselle.Nalaglag ang panga ko. “L-Limang daan? Mayor?! Senators?!”“Yes, ma'am. Mr. Saviano is a highly influential figure. His wedding will be the event of the year. Ngayon, para sa bulaklak, we are flying in fresh orchids from Ecuador—”“Teka, teka,” pilit na putol ko, hawak ang sentido ko na nagsisimula nang sumakit. “Bakit kailangang sa Ecuador pa? Wala bang bulaklak sa Dangwa?”Tiningnan ako ni Madam Giselle
Dernière mise à jour : 2026-09-22 Read More