Lumipas ang buong linggo.Naging mas maayos ang takbo ng mga araw sa penthouse.Idinadaan namin sa asaran, sa pasimpleng sulyap, at sa mga maliliit na galaw.Isang hapon, habang nag-aayos ako ng mga gamit ng baby na ipinadala ni Gregor mula sa mall, pumasok si Hunter sa kwarto. May hawak siyang isang maliit na box.“What are you doing?” tanong niya, sumandal sa hamba ng pinto.“Inaayos ko 'yung mga onesies at baby bottles. Ang dami naman kasing binili ni Gregor, akala mo naman kambal ang ipapanganak ko,” natatawang reklamo ko habang nagtutupi ng maliliit na damit.Lumapit si Hunter at inilapag ang maliit na box sa ibabaw ng kama.“I bought something else,” simpleng sabi niya.Kumunot ang noo ko. “Ano 'to? Baka mamaya kung ano na namang mamahaling gamit 'yan ha.”Binuksan ko ang box. Sa loob, may isang maliit na silver na kwintas. Ang pendant ay isang simpleng hugis ng bituin, pero ang gitna nito ay may maliit, kumikinang na asul na bato.“Hunter...” pabulong kong sabi, nakatitig sa al
Dernière mise à jour : 2026-09-14 Read More