Lumipas ang mga araw na tila isang panaginip na ayaw ko nang magising. Ang bawat umaga sa San Isidro ay may dalang bagong aral para kay Jaxon, at sa bawat aral na iyon, mas lalo siyang lumalayo sa imahe ng isang bilyonaryong walang pakiramdam. Isang hapon, habang ang sikat ng araw ay unti-unti nang nagiging ginintoan sa ibabaw ng mga palayan, naisipan kong dalhin si Jaxon sa paborito kong tambayan ito ang malaking puno ng akasya sa dulo ng aming lupain na nakaharap sa maliit na sapa.Doon, ang tanging maririnig mo ay ang agos ng tubig, ang kaluskos ng mga dahon, at ang paminsan-minsang pagaspas ng mga pakpak ng ibon. Walang busina ng sasakyan, walang ingay ng elevator, at walang ringtone ng mga cellphones na nagpapaalala ng mga deadlines."Dito ako pumupunta kapag gusto kong takasan ang mundo," sabi ko habang inilalatag ang isang lumang kumot sa ilalim ng puno.Naupo si Jaxon sa tabi ko. Ang kanyang mga binti, na dati ay laging nakabalot sa de-kalidad na tela ng suit, ay ngayon ay nak
Terakhir Diperbarui : 2026-05-11 Baca selengkapnya