Isang buwan matapos ang marangyang gala, opisyal nang nagsimula ang totoong bangungot ng bawat nagmamahalan at ito ang pagpaplano ng kasal. Kung akala ko ay mahirap ang magbiyak ng kahoy sa San Isidro, mas matindi pala ang pumili sa pagitan ng "off-white," "eggshell," at "ivory" na kulay ng table napkin. Para sa akin, iisang kulay lang 'yun, ang kulay ng puting tela na nilalabhan sa sapa gamit ang bareta. Sa malawak na sala ng penthouse, nakalatag ang dambuhalang wedding planner book na tila ba encyclopedia sa kapal. Katabi ko si Jaxon na nakasandal habang nakataas ang isang kamay sa sofa, seryosong nakikinig kay Amanda, ang kilalang wedding coordinator na kinuha ni Doña Aurora. "So, Ms. Marikit, for the entourage's transportation, we are looking at a fleet of luxury vans," masiglang panimula ni Amanda habang itinuturo ang mga litrato ng makikinang na sasakyan. "And for your entrance, Sir Jaxon suggested a classic vintage Rolls-Royce." Napaayos ako ng upo at uminom ng tubig. "Ah, A
Terakhir Diperbarui : 2026-05-23 Baca selengkapnya