Kinabukasan, maagang nagising si Jaxon dahil sa mga tawag mula sa labas ng bansa, ngunit bago siya umalis patungo sa isang sunod-sunod na closed-door meetings, may iniwan siyang sorpresa sa akin. Isang card na may susi at isang maikling sulat na nakalagay sa ibabaw ng counter: “Explore the city today, my Marikit. Montero will guide you. Don't worry, no reporters this time. Show them who owns my heart.” Imbis na pumunta sa mga mamahaling boutique, may isang lugar akong hiniling kay G. Montero na puntahan namin—ang mismong hotel kung saan nagsimula ang lahat ng pagkakamali at ang kontratang nagdala sa amin sa San Isidro. Nang huminto ang sasakyan sa harap ng dambuhalang tinitirhang hotel, nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Isang buwan ang nakalipas, pumasok ako rito bilang isang simpleng aplikante na naghahanap ng trabaho, natatakot sa bawat boses na maririnig ko. Pero ngayon, habang naglalakad ako sa malawak na lobby na gawa sa mamahaling marmol, iba na ang pakiramdam. Hindi dahil sa
Terakhir Diperbarui : 2026-05-16 Baca selengkapnya