Makirit Tolentino POV Kinabukasan, ang katahimikan ng mansyon ay napalitan ng nakaka-stress na ingay ng mga wedding planner. Pagbaba pa lamang namin ni Jaxon sa hagdan, bumungad na sa amin ang isang grupo ng mga eksperto sa kasal na parang mga sundalong handang makipagdigma para sa perpektong seremonya. Nakaupo si Doña Aurora sa gitna ng sala, hawak ang isang makapal na notebook at tila sinusuri ang bawat anggulo ng aming relasyon. "Good morning, lovebirds!" bati ni Doña Aurora, ang kanyang mga mata ay parang X-ray machine na nakatutok sa amin. "Ngayon ang araw para pag-usapan ang motif, ang cake, at ang guest list. Jaxon, I hope you have time for this, dahil kailangan nating mapaganda ang bawat detalye para sa Silverio wedding". Tumingin sa akin si Jaxon, at ramdam ko ang tensyon sa kanyang balikat. "Of course, Lola. Everything for the wedding," sagot niya habang pilit na ngumingiti, bagaman alam kong ang tanging gusto niya ay matapos na ang lahat ng ito nang hindi kami mabubuko.
Read more