Isang buwan na ang lumipas simula nung tuluyan kong iwanan ang Maynila at ang lahat ng alaala ng naudlot kong kasal. Sa loob ng isang buwang 'yon, naging routine ko na ang gumising bago sumikat ang araw, mag-asikaso ng mga pananim kasama sina Tatay at Efren, at tumulong kay Nanay sa pagtitinda ng mga gulay sa palengke ng San Isidro tuwing weekend. Sabi ng mga psychologist sa internet na nababasa ko sa phone ko kapag gabi, stage of grief daw ang tawag dito. Pero para sa akin, simpleng survival lang 'to. I have to keep moving forward, kasi kung hahayaan kong lamunin ako ng lungkot, ako lang din ang talo sa huli. "Marikit, dahan-dahan naman sa pagbaba niyang kaing ng ampalaya," saway sa akin ni Nanay habang inaayos niya ang pwesto namin sa palengke. "Baka mayari 'yang likod mo, mahirapan pa tayong maghanap ng pang-masahe." "Don't worry, Nay, kayang-kaya 'to ng powers ko," nakangiting sagot ko gamit ang aking pamilyar na pananalita sabay punas ng pawis sa aking noo gamit ang suot ko
Last Updated : 2026-06-01 Read more