Dejavu in the DarkHingal na hingal si Sirius habang pabagsak na naupo sa isang sofa sa kanilang private dressing room. Hawak-hawak pa rin niya ang maliit na piraso ng asul na confetti na nakuha niya sa gitna ng usok. Ang kanyang princely face ay basa ng pawis at luha, habang ang kanyang kamay ay nanginginig sa halo-halong emosyon. "Sirius! What was that?! Bigla kang tumakbo sa gitna ng finale!" bulyaw ni Phil habang hingal na hingal ding pumasok sa silid, kasunod sina Orion, Neptune, Rigel, at Archer. "I saw her, Phil. I saw Haven," paos na sagot ni Sirius. "She was there, right in front of the stage. She smiled at me."Nagkatinginan ang mga miyembro ng banda. Kahit sila ay naguguluhan. "Leader, baka naman dala lang 'yun ng pagod?" mahinang tanong ni Rigel. "The lights, the smoke, and the 80,000 people... baka nag-hallucinate ka lang." "No! Look at this!" Ipinakita ni Sirius ang confetti. "Always watching over you, my Phoenix." "Handwriting niya 'to. I know her strokes. I know
더 보기