Shadows Across ContinentsAng CELESTIAL World Tour ay naging isang pandaigdigang sensasyon. Ngunit sa likod ng mga naglalakihang LED screen at hiyawan sa iba't ibang panig ng mundo, isang madugong anino ang patuloy na naglilinis ng daan.Mula sa makukulay na ilaw ng Tokyo, patungo sa makasaysayang mga kalsada ng London, at hanggang sa naglalakihang skyscraper ng Argentina ang bawat show ng CELESTIAL ay laging sold-out. Ang mundo ay namamangha sa husay nina Orion, Neptune, Rigel, at Archer, lalo na sa boses ni Sirius na tila may dalang kakaibang kapangyarihan—isang pait na nauwi sa rurok ng tagumpay.Ngunit ang hindi alam ng banda, sa bawat hotel na tinutuluyan nila at sa bawat concert hall na tinatapakan nila, ay may isang tahimik na digmaang nagaganap.Tokyo, Japan: The Blade in the AlleySa Tokyo Dome, habang inaawit ni Sirius ang "Gravity's Map," si Haven ay kasalukuyang nakikipagpalitan ng bala sa isang pangkat ng Yakuza sa Shibuya District na inupahan ng mga natirang kaalyado ni
더 보기