HABANG nagkakagulo sa labas, katatapos lang magbigay ng kaniyang keynote speech ni Yumi Zamora sa harap ng mga pinakaprominenteng negosyante at namumuhunan sa Asya.Bilang opisyal na kinatawan ng Zamora Family, binigyang-diin niya ang potensyal ng mga lokal na kumpanya sa Pilipinas. Matalim, elegant, at pormal ang kaniyang pagkakasulat at pagkakabigkas sa Ingles at Filipino. Walang dalang kodigo o hawak na papel si Yumi, ngunit kabisadong-kabisado niya ang bawat datos, statistics, at teknikal na terminolohiya ng iba't ibang industriya.Sa kabilang bahagi ng Hall, nakatayo si Art Mendez, ang Vice Chairman ng Apex Global Enterprise. Narinig na niya ang mga balita tungkol sa tagapagmana ng pamilya Zamora, mga tsismis na isa lamang daw itong batang walang sapat na karanasan sa corporate world.Ngunit nang makita at marinig niya si Yumi ngayon, unti-unting nabago ang kaniyang impresyon. Ang taglay nitong kumpas, kumpiyansa, at talino habang nagsasalita sa entablado ay patunay na hindi ito
Leer más