SAMANTALA, sa kabilang panig ng siyudad, tahimik na nakatayo si Marco sa ground floor ng Montierra Corporate Center. May sigarilyo sa pagitan ng kanyang mga daliri habang nakatanaw sa malayo.Ilang araw nang mabigat ang kanyang pakiramdam. Mula nang paulit-ulit siyang mabigo sa mga plano laban kay Yumi, tila unti-unti na ring nagbago ang pagtingin sa kanya ng mga taong dati ay nagtitiwala.Hindi na siya gaanong isinasama sa mahahalagang desisyon. Hindi na rin siya nabibigyan ng parehong kapangyarihan gaya noon.At higit sa lahat, hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Yumi tungkol sa nakaraan ng kanyang pamilya.Tahimik siyang nagsagawa ng sariling imbestigasyon. Ngunit sa dami ng lumipas na taon, halos wala na siyang makuhang kapaki-pakinabang na impormasyon.Lalo lamang siyang nalito. Lalo lamang siyang nawalan ng direksyon. Ngunit sa mismong sandaling iyon, may isang taong nakakuha ng kanyang atensyon.Si Erica.Mabilis itong lumabas ng gusali at dumiretso sa naghihinta
Read more