"HINDI ko mabilang ang magagandang katangian niya at gustong-gusto ko ang bawat isa roon."Inasahan na ni Yumi ang sagot ni Adrian, pero hindi pa rin niya maiwasang mahiya. Mahina siyang naubo at tumingin kay Dr. Yelton. "Dr. Yelton, can we please stop talking about me? Ibang bagay naman po...""Alright," nakangiting tango ni Dr. Yelton bago muling hinarap si Adrian. "Mr. Villareal, may mga sandali ba kamakailan na nakaramdam ka ng sobrang kapayapaan, o 'di kaya't naging napaka-stable ng emosyon mo?""Marami," walang pag-aalinlangang sagot ni Adrian. Lumingon siya kay Yumi, ang mga mata ay muling napuno ng lambing. "Halimbawa, 'yung paggising ko sa hatinggabi at nakikita ko ang asawa ko sa tabi ko na tahimik na humihinga. O tulad ngayon, nakaupo lang siya kasama ko, kahit hindi siya magsalita, ang malaman lang na narito siya ay sapat na para kumalma ako."‘Akala ko ba hindi na ako ang pag-uusapan?’ tanong ni Yumi sa sarili habang nanonood sa mga ito.Parang hindi psychotherapy para ka
Leer más