Cindy POV Ang halik na kanina’y malumanay lamang ay unti-unting naging mas mapusok. Parang may sariling isip ang mga katawan nila, pero ang puso nila ay iisa ang gustong sabihin na mahal nila na ang isa’t isa. Hindi na nila namalayan kung paano sila napadpad sa kanilang silid. “Ready ka na ba, mahal ko?” mahinang tanong ni Niel, seryoso ang mga mata. “Kung hindi pa… sasabihin mo lang. Kaya kitang hintayin.” Ngumiti si Cindy at hinawakan ang mukha niya. “Bakulaw… handa na ’ko. Mahal kita. At nagtitiwala ako sa’yo.” May halong biro ang mga sumunod niyang salita, pero totoo ang init sa mga mata niya. Napatawa si Niel. “Mahal ko, hindi ako easy to get.” “Eh di ngayon pagbibigyan mo na ’ko,” sagot niya habang hinihila siya palapit. Muli silang naghalikan — mas malalim, mas totoo. Unti-unting nawala ang pagitan sa kanila. Ang mga halik ni Niel ay dahan-dahang bumaba, nag-iwan ng init sa balat ni Cindy. Ang bawat haplos ay may kasamang pag-iingat, may kasamang paggalang. Cindy
더 보기