Pababa kami ngayon sa bayan para mamalengke. Hindi siya sumama dahil may kailangan siyang tapusing mga online meetings para sa turnover ng posisyon kay Anya, pero tiniyak niyang ligtas ang biyahe namin. Pagdating namin sa bayan, agad kaming ibinaba ng driver sa tapat ng isang pampublikong merkado.Napakalayo nito sa ingay at usok ng mga palengke sa Maynila. Ang bayan dito sa Switzerland ay parang isang buhay na painting, malilinis ang kalsadang gawa sa cobblestones, may mga nakasabit na makukulay na bulaklak sa bawat bintana ng mga lumang gusali, at sa paligid ay maririnig mo ang malambing ngunit tila banyaga sa aking pandinig na salita ng mga lokal."Grüezi!" maringal na bati ng isang matandang lalaking may bitbit na basket ng tinapay sa kaniyang nakasalubong."Grüezi mitenand, " tugon naman ng iba."Swiss-German ang salita nila rito, Sophia," bulong ni Nana Selya habang ginagabayan ako sa paglalakad upang hindi ako mabangga ng mga nagbibisikleta. "Ang ibig sabihin niyan ay 'Hello' o
Magbasa pa