Mag-log inMaaga akong nagising para maghanda. Pagkatapos kong makapaghugas ng katawan at makapagpalit ng maluwag na damit, naupo muna ako sa gilid ng kama habang pinapanood ang ina ni Tyler na abala sa pag-aayos ng mga natitirang gamit namin sa loob ng silid. Si Athena naman ay mahimbing pa ring natutulog sa loob ng kaniyang munting higaan dito sa tabi ko, nakabalot sa malambot na pink na kumot. Ngayong araw na ang discharge namin mula sa ospital.Bumukas ang pinto at iniluwal nito si Tyler. May dala na siyang ilang piraso ng papel at malawak ang ngiti sa kaniyang mga labi habang naglalakad palapit sa amin."Everything is cleared. Pwede na tayong umuwi," anunsyo niya bago binalingan ang kaniyang ina. "Mom, ready na ba ang mga gamit?""Yes, kanina ko pa natapos i-pack ang mga dinalang damit ni Sophia," sagot ng kaniyang ina habang lumalapit sa higaan ng sanggol. Maingat niyang binuhat at kinarga si Athena. "Akin na muna si Athena, Tyler, para mabitbit mo na ang mga bagaheng ito pababa."Mabilis
MARIELMabilis ang naging pagpapatakbo ko sa sasakyan pabalik ng bahay. Halos hindi ko na namamalayan ang trapiko dahil sa sobrang pananabik na nararamdaman ko. Hawak ko ang manibela habang paulit-ulit na nagrerehistro sa isip ko ang impormasyong bagong tuklas ko lang.Sophia is in Switzerland.Agad kong ipinarada ang kotse ko pagkapasok sa garahe. Subalit bago ko pa man mapatay ang makina, kumunot na ang noo ko nang makita ang isang pulang sasakyan na nakaparada sa kabila. Malapit na malapit ito sa entrance ng pintuan at talagang nakaharang sa daanan.Sino namang magpaparada ng sasakyan nang ganito? Tatanga-tanga!Padabog akong bumaba ng kotse. Kinailangan ko pang igilid nang husto ang aking katawan at humakbang nang patagilid para lang makalusot sa maliit na espasyong iniwan ng pulang kotse. Sa kamalasan, bigla pang bumangga ang siko ko sa side mirror nito."Bwisit," bulong ko habang hinahaplos ang siko ko. Lalong nairita ang sistema ko. Sino ba ang bisita ni Rowan ngayon? Paano niy
Kinabukasan, maagang pumasok si Doctor Suarez sa aking kwarto upang tingnan ang aking vital signs at ang kondisyon ng aking mga tahi. Kasama ko pa rin sa loob si Tyler na hindi man lang umalis sa tabi ko simula kahapon pa. Nang matapos ang paunang pagsusuri ng doktor, bago pa man ito makahakbang patungo sa pinto, ay hinawakan ko na ang pagkakataon para magtanong."Doctor Suarez, gusto ko lang sanang itanong kung kailan ko pwedeng ibiyahe sa eroplano si Athena? Pati na rin ako, kailan kami ligtas na makakasakay para sa isang mahabang flight?" diretsong tanong ko habang nakasandal sa aking mga unan.Napatigil si Doctor Suarez. Tumingin siya sa akin, pagkatapos ay kay Tyler, bago bahagyang sumeryoso ang kaniyang mukha. "Babalik na ba kayo agad sa Pilipinas? Bakit ninyo kailangang magmadali?"Naunahan ako ni Tyler sa pagsagot. Humakbang siya palapit sa gilid ng kama upang harapin ang doktor. "We just want to fix everything as soon as possible. May mga legal matters pa kaming kailangang ta
“Sophia!”Bumukas ang pinto ng aking kwarto at agad na pumasok si Manang Loring. Hindi pa man ako tuluyang nakakahuma sa kaniyang biglaang pagdating ay mabilis na siyang lumapit sa gilid ng aking kama. Agad niya akong niyakap nang mahigpit habang humihikbi sa labis na pagkasabik.Natatawa naman kong tinapik-tapik ang likod ng matanda. “Manang, dahan-dahan lang po sa yakap. Baka mapunit ang mga tahi ko,” pabiro kong saway sa kaniya.Mabilis siyang kumalas sa pagkakaakap at pinunasan ang kaniyang mga luha gamit ang kaniyang panyo. “Ay, pasensya ka na, iha. Labis lang talaga ang kagalakan ko nang ibalita ni Tyler na nakapanganak ka na. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.”Pumasok na rin sa loob ng kwarto ang ina ni Tyler, kasunod si Axel na bitbit ang ilang bagahe na agad nitong inilapag sa sulok. Napailing ang ina ni Tyler habang nakangiting nakatingin sa aming dalawa ni Manang Loring.“Alam mo ba, Sophia, itong si Manang Loring ay nakailang suka habang nasa eroplano kami,” pagbubunyag
MARIELMahigpit ang hawak ko sa manibela habang nakatitig sa gate ng eksklusibong subdivision ng mga Santibañez. Gamit ko ngayon ang lumang kotse na hiniram ko pa sa boyfriend ng best friend ko. Kailangan kong mag-ingat dahil saulado na ng driver ni Tyler na si Axel ang sarili kong sasakyan, at kapag nakita nila ako rito, paniguradong palalayasin lang ako ng mga guard. Nakaparada ako sa isang bahagi ng kalsada na medyo malayo sa gate, sapat para makita ko ang bawat sasakyang lumalabas at pumapasok, ngunit hindi sapat para paghinalaan ng mga security personnel.Ilang linggo na akong pabalik-balik sa lugar na ito. Araw-araw akong nag-aabang, nagbabakasakali na may makuha akong kahit anong impormasyon tungkol sa kinaroroonan nina Tyler at Sophia, pero palagi akong walang napapala.Biglang umikot ang sikmura ko. May kung anong likido na mabilis na umakyat sa aking lalamunan.Nataranta ako. Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse, dali-daling lumabas, at humawak sa pader bago tuluyang sum
Nakasubsob ang ulo ni Tyler sa gilid ng aking kutson habang ang kaniyang isang kamay ay mahigpit pa ring nakakapit sa akin. Nakaupo siya sa silya, ngunit ang posisyon ng kaniyang katawan ay halatang hindi komportable. Gulo-gulo ang kaniyang buhok at bakas sa kaniyang mukha ang labis na puyat mula sa pagbabantay sa akin buong magdamag.Isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi. Marahan kong ipinalad ang aking mga daliri sa kaniyang buhok, sinusubukang hindi siya magising. Pero dahan-dahan na nag-angat ng tingin si Tyler. Nang makita niyang gising na ako, mabilis na napawi ang antok sa kaniyang mga mata at napaayos siya ng upo."Sophia," tawag niya. Hinawakan niya ang aking mukha. "Gising ka na. May masakit ba sa'yo? Anong nararamdaman mo? Nauuhaw ka ba? Nagugutom?"Umiling ako nang bahagya, pilit na binabalewala ang kaunting hapdi sa aking ibabang bahagi. "Ayos lang ako, Tyler. Mas mabuti na ang pakiramdam ko ngayon kaysa kagabi."Huminga siya nang malalim at hinalikan ang aking noo. "
TYLERHatinggabi na nang bigla akong maalimpungatan. Hindi dahil sa kung anong ingay sa labas, kundi dahil sa isang matinis at nakakapanindig-balahibong tunog ng alarm mula sa mga aparato ni Sophia.Mabilis akong napabalikwas mula sa sofa. Nanlalamig ang mga kamay ko nang makita ko ang kalagayan ni
Tahimik akong nakaupo sa veranda, hawak ang tasa ng kape na ipinaabot ng isa sa mga kasambahay kanina. Umalis si Mariel kasama si Rowan papunta sa company.Tinitigan ko ang mga halaman sa hardin, sinusubukang kalmahin ang utak kong paulit-ulit na bumabalik sa mga sinabi ni Rowan kanina. Gusto na ni
Pagbukas ko ng pintuan ay sumalubong sa akin si Manang. Napakurap siya nang makita ang itsura ko.“Ma’am Sophia?” Hinagod niya pa ako ng tingin kaya napalunok ako.Tumango ako at pilit na inayos ang aking hitsura. “Nasaan ang Sir Rowan mo?”“Ma'am, akala namin kasama niyo kagabi si Sir Rowan?”Nati
"Nahihilo ka ba?" malambing na tanong ng asawa kong si Rowan sa akin.Nakahawak ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko ay unti-unting nanlalabo ang paningin ko. Parang umiikot ang mga nasa paligid.Agad akong kumapit sa kanya para hindi matumba. "U-Umuwi na tayo..." pakiusap ko sa kanya."Pero hindi pa t







