"Kendra, nasaan si Snow?" kumunot ang noo ko nang pagbalik ko sa labas, dala-dala ang fried chicken na kakatapos lang maluto sa loob, ay wala roon si Snow sa garden.Nakaupo si Kendra sa picnic mat at naglalaro mag-isa, mukhang hindi pa napapansin na wala ang kaniyang kaibigan sa tabi niya. Napalinga-linga si Kendra sa magkabila niyang gilid bago napatayo mula sa pagkakaupo."Hindi ko po alam, Ma'am Sophia. Pero... narito lang siya kanina. Magkausap lang kami," pagdadahilan nito.Inilapag ko sa lamesa ang tray ng mga manok bago tuluyang lumapit sa kaniya."Snow!" tawag ni Kendra, sumilip pa ito sa likod ng malalaking halamanan sa gilid, iniisip na pinagtataguan siya ng kaibigan pero wala roon ang bata. Maging ang ilalim ng lamesa ay hindi rin nakaligtas sa paghahanap niya.Nasaan na ba ang batang iyon?"Snow?" nagsimula na rin akong tumawag at maghanap sa paligid ng lawn.Mula roon sa simula ng pathway papunta sa main gate ng aming bakuran, nakita namin si Snow na dahan-dahang naglala
Leer más